Tuesday, March 27, 2012

Bakasyon na!

Sa wakas, magtatapos na rin ang ikatlong taon ko sa kolehiyo..Natapos na rin ang ilang linggong pagpupuyat sa paggawa ng mga kinakailangang bagay na dapat na isumite sa aming mga guro. Natapos ko narin sa wakas ang mga asignaturang nakakawindang. Matatapos ko na rin ang paikot ikot at pag-akyat panaog sa main bldg. Matatapos na rin ako sa mga panahong ng pagmamadali para maihabol ang takdang aralin. Matatapos na rin ang araw-araw na pagbabyahe kung saan saan at panahon na ngayon para sa kapahingahan.

Bakasyon na!

Bakasyon na naman, hindi ako makapaniwala dahil parang kailan lang ang nakaraang bakasyon, ang camping , ang birthday ko, etc., parang kailan lang noong ako'y lumuluwas sa Maynila para umpisahan ang pasukan, parang kailan lang noong ako ay mamoblema sa pagkuha ng registration card sa R.O. at ngayon, malapit na ulit akong kumuha ng another registration card sa susunod na semestre... kung makakapasa at wala akong singko o_O

Ang bilis dumaloy ng panahon, hindi parin ako makapaniwala na natapos ko na sampung malulupit na buwan sa aking ikatlong taon sa kolehiyo!

Kahit na gaanong stress ang inabot ko sa ikatlong taon ko rito sa PUP, maraming bagay parin ang hindi ko makakalimutan, ang pag-kokonduk ng case study at makapunta sa magandang lugar ng Wawa, Rizal



Ang gumawa ng first ever newscast! 

Ang pagkakataon na naging ala journalist ako para sa Investigative Journalism at pagsikapan (ng kaunti:) na makahabol sa mga deadlines. 
Fourth year na kami sa susunod na pasukan!! Ang huling taon ko sa aming minamahal na paaralan (naniniwala ako 'dun:)
Susulitin ko talaga itong bakasyon ko!!!! at excited na rin ako!

No comments:

Post a Comment