Monday, January 23, 2012

Sana Pasko ulit


Pasko? Sa amin, ito ang araw na pinakahihintay sa buong isang taon, lalo na ng mga bata. Syempre nga naman, bukod sa matatanggap nilang iba’t ibang regalo mula sa kani-kanilang ninong at ninang, mga kamag-anak, at magulang, ito rin ang araw kung saan magsu-suot sila ng kanilang bago at pinakamagandang damit na kasama ang mga kaibigan o hindi kaya’y kanilang mga magulang. Sila ay pumupunta sa mga bahay bahay upang kumatok at humingi ng aginaldo.

Halos lumabas na yata ang lahat ng mga kabataan sa aming lugar upang isa isahing katukin ang mga bahay. Parang isang sirang plakang paulit ulit mo ring maririnig ang mga hiyaw ng mga bata na “Magandang Pasko po!” o di kaya’y “Namamasko po!” sa inyong mga tapat. 
Mayroon din namang kadalagahan o mga binatang gumagayak papunta sa kanilang mga barkada. Tatambay lang sa mga bahay- bahay ng kanilang kamag-aral, kakain doon at wala lang, gumagala lang, para lang masabing magkakasama sila sa okasyong ito.

Hindi rin mawawala ang mga nagbibisihang mga matatanda (pero hindi naman katandaan) na magluto nang magluto ng iba’t ibang putaheng Pilipino upang iparada sa mga bibisitang kung sino sino. Bumibisita rin kasi ang mga tao sa kani-kanilang mga kakilala, at sa kanilang mga kamag-anak. Eh, kamusta naman kung medyo may katungkulan ka? Tulad ng isa kong tiyuhin, palibhasa’y kapitan ng baranggay, tuwing pasko halos dalawang libo raw ang kanilang napapaubos sa buong maghapon para lang bigyan ang mga batang nagsisidaanan sa kanilang tapat, hindi pa roon kasama ang gastos sa lahat ng kanilang ihahanda at ipang-aaguinaldo sa kanilang mga inaanak at sa katulad kong pamangkin nila J. Minsan lang naman daw iyon sa isang taon. Ok, sabi nila eh, [kibit balikat].

Hay, masasabi kong iba nga ang Pasko sa Pilipinas . Maraming nangyayari sa panahon ito. 


Kaya sana magpasko na ulit.